DILG, ipinagtanggol ang mga tanod na nanghuli sa estudyanteng kukuha ng food delivery na nag-viral sa social media

Ipinagtanggol ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga tanod na nanghuli sa estudyanteng kukuha lamang ng food delivery na nag-viral sa social media.

Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, ang ginawa ng mga tanod ay nakabatay sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na bawal lumabas ang mga menor de edad sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Giit pa ni Diño, magulang ang dapat parusahan sakaling may mahuling menor de edad.


Yong magulang ang dapat anuhin (parusahan) dahil menor de edad pa ‘yong bata. Sinabi na sa kanila na ang pwedeng lumabas lang ng bahay ay ‘yong mga nagtatrabaho. Paano kung sabihin lahat ng bata na kukuha lang sila ng pagkain o deliver, ‘di ba? Dapat kung ano ang batas mo kay Pedro ay iyon din ang batas mo kay Juan.” ani Diño

Samantala, nagsasagawa na ng imbestigasyon ukol dito ang Barangay Apolonio Samson sa Quezon City.

Facebook Comments