DILG, ipinalilinaw ang pahayag ni Pangulong Duterte kaugnay sa alkalde na tinatanggalan ng karapatang mamahagi ng ECQ ayuda

Ipinalilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa MalacaƱang ang mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang Talk of the People.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, mas makabubuti kung ipaliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang binanggit ng pangulo kaugnay ng alkalde na tinanggalan niya ng kapangyarihan na mamahagi ng Enhanced Community Quarantine o ECQ ayuda.

Aniya, si Roque naman ang tagapagsalita ng pangulo kung kaya’t ipinauubaya niya rito ang paglilinaw sa direktiba.


Batay sa pahayag ng pangulo, inatasan na niya ang DILG at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pangunahan ang distribusyon ng ayudang pinansyal sa ā€˜di pa niya binanggit na lungsod o munisipalidad.

Facebook Comments