DILG, ipinatatanggal na rin sa Facebook ang mga illegal E-sabong pages/accounts

Hiniling ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Facebook na tanggalin ang iba’t ibang Facebook (FB) pages o accounts ng mga illegal E-sabong operations

Sa isang liham ng DILG sa Meta Platforms, Inc., ang parent organization ng Facebook, iginiit nitong paglabag sa FB standard ang pag-accomodate sa illegal activities ng E-sabong.

Sa katunayan, isinumite ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malay sa Meta ang listahan ng pitong FB pages, groups at mga accounts na tinukoy ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cyber Crime Group na nagpapatakbo ng illegal E-sabong.


Ani Malaya, dapat nai-block agad ng FB at sa kanilang ibang subsidiaries ang pag-activate ng E-sabong operation.

Pinasalamatan naman ni DILG Secretary Eduardo Año ang kagyat na aksyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na atasan ang lahat ng bank-supervised financial institutions na tanggalin ang lahat ng e-sabong operators sa listahan ng mga maaaring bayaran sa E-wallets tulad ng G-Cash at PayMaya.

Facebook Comments