Ipinauubaya na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Inter-Agency Task Force ang pagdedesisyon kung papahintulutan nila ang pagpapatupad ng uniform curfew sa buong bansa.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, mas makabubuting hintayin ang magiging pananaw ng pandemic task force hinggil dito.
Aniya, inirekomenda ng IATF Technical Working Group ang ilang mga hakbang para makontrol ang COVID-19 surge.
Kabilang sa mga tinalakay ay ang malawakang information campaign kontra fake news.
Hindi aniya mag-aatubili ang DILG na kasuhan ang sinumang ginagawang katatawanan ang immunization program at mga gumagawa ng fake news.
Binigyang diin ni Densing na kailangang tumulong ng lahat lalo na sa pagsunod sa minimum health standards.