DILG Isabela, Nagbabala sa mga Barangay na Hindi Negosyo ang Pagbibigay ng Travel Pass

*Cauayan City, Isabela*- Mahigpit na paalala ng Department of Interior and Local Government (DILG) Isabela sa lahat ng mga barangay sa buong probinsya na hindi kinakailangan na maningil ng bayad para sa pagbibigay ng Travel Pass.

Ito ay matapos ang samu’t saring reklamong kanilang natatanggap kaugnay sa mga ibinibigay na travel pass ng mga barangay.

Ayon kay DILG Provincial Director Engr. Corazon Toribio, hindi maaaring singilin ang mga residente dahil lamang sa kinakailangan nila ang travel pass kundi ito ay ibigay ng libre.


Samantala, nananawagan naman ang DILG sa publiko na makipagtulungan sa mga opisyal ng barangay at iba pang kinatawan ng gobyerno sa mahigpit na pagpapatupad sa ilalim ng enhanced community quarantine para maiwasan ang hindi inaasahang sitwasyon sa mga checkpoint.

Pinayuhan naman ni Toribio na umiwas ang publiko sa pagsasagawa ng aktibidad o mass gathering dahil marami aniya ang kanilang natatanggap na impormasyon kaugnay dito.

Hiniling din niya na pairalin ang paghihintay dahil asahan ang maraming pila na dadagsa sa pagkuha ng mga travel pass.

Facebook Comments