DILG, isinumite sa Kongreso ang mahigit 500K na pirma at mga LGU resolutions bilang suporta sa pagtanggal sa restrictive economic provisions sa Konstitusyon

Photo Courtesy: DILG Facebook Page

Isinumite sa Kongreso ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang abot sa 5 million na pirma at mga Local Government Unit (LGU) resolutions na nagpapahayag ng suporta sa pagtanggal ng restrictive economic provisions sa 1987 Constitution.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, lumitaw sa kanilang mga isinagawang road shows na malawak ang suporta ng publiko sa planong buksan ang ekonomiya sa mundo.

Nagsimula aniya ang kanilang signature campaign noong 2019 pero naabutan ng pandemic kaya’t lumipat ang kanilang signature campaign sa online noong 2020.


Inihain din ni Malaya ang mga pinagtibay na resolusyon ng mga League of Municipalities at mula sa 23 na LGUs sa Regions 6,7,10,11 at CARAGA.

Isinusulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) Core ang pagluluwag sa economic provisions upang mapahintulutan ang mga foreign investors na pumasok sa industrial at commercial activities na matagal na panahong ipinagkait sa mga Pilipino.

Umaasa si Malaya na ito ang isang paraan upang mapaandar ang ekonomiya ng bansa at makatawid sa pagkalugmok dulot ng pandemic.

Facebook Comments