DILG, isinusulong ang pagkakaroon ng contact tracing teams kada barangay

Binigyang diin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang bawat barangay ay dapat mayroong sariling contact tracing team sa harap ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang lahat ng business centers ay kailangang may sariling contact tracing teams.

Pagtitiyak ni Año na ang mga Local Government Unit (LGU) ang mangunguna sa contact tracing, testing at referrals sa mga ospital ng mga COVID-19 patients sa kanilang lokalidad.


Nakasaad sa Memorandum Circular ng DILG na inaatasan ang mga LGU na magtatag ng sariling task force laban sa COVID-19.

Nakiusap si Año sa publiko na maging matatag sa panahon ng pandemya sa pamamagitan ng pagsunod sa quarantine protocols.

Facebook Comments