DILG, itinalaga na ang local chief executives sa bansa bilang mga “food security czars”

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local chief executives sa bansa na iayon ang kanilang mga polisiya at programa sa layunin ng Department of Agriculture (DA) na palakasin ang tustos ng pagkain ng bansa.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, inaasahan niya ang aktibong partisipasyon ng mga lokal na pinuno sa ikatatagumpay ng direksyon ng Rice Resiliency Project ng DA.

Matapos ang kanilang aktibong ambag sa paglaban sa COVID-19, muli aniyang hinihingi ng pambansang pamahalaan ang kooperasyon ng mga local chief executive bilang mga “food security czars”.


Sa ngayon, umaarangkada na ang Rice Resiliency Program (RRP) sa labing-anim (16) na rice-producing regions sa bansa.

Puntirya ng DA na makamit ang mahigit 1.03-million metric tons (mt) ng produksyon ng palay.

Ito’y bukod sa projection na 12.76-million mt na produksyon ng palay para sa taong 2020.

Facebook Comments