DILG, itinangging may ipinapatupad na 14-day quarantine sa mga pasaherong mula sa iba pang bansang apektado ng nCoV

Mariing itinanggi ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nagpatupad ito ng 14-day quarantine sa mga biyahero mula sa higit 20 bansa na may kumpirmadong kaso ng novel coronavirus.

Nabatid na kumalat sa social media ang nasabing infographic.

Ayon sa DILG, ang nasabing infographic ay hindi inisyu ng ahensya.


Sa ngayon, mahigpit lamang ipinapatupad ang 14-day quarantine sa mga biyaherong galing ng China, Hong Kong, at Macau.

Ang mga iba pang pasahero na manggagaling sa ibang bansa na apektado ng nCoV ay pwedeng boluntaryong magpa-quarantine.

Sa mga opisyal na anunsyo at abisyo, bisitahin ang official website ng DILG at social media accounts nito.

Facebook Comments