DILG, itinangging pinupwersa ang mga LGU na magdeklara ng persona non grata laban sa CPP

Nanindigan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang bawat Local Government Units (LGUs) ay mayroong ‘local autonomy.’

Ito ang binigyang diin ng ahensya sa harap ng mga alegasyong pinupwersa ng pamahalaan ang LGUs na ideklara ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) bilang persona non grata sa pamamagitan ng pag-ipit sa kanilang budget.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, hindi dapat iniinsulto ang mga local government officials.


Aniya, alam ng LGUs ang mga panloloko at gulong ginawa ng CPP-NPA-NDF sa kanilang nasasakupan.

Isang kahibangan para sa CPP na sabihing pinipilit ang LGUs na maglabas ng nasabing deklarasyon dahil sila ay walang talino at sunud-sunuran.

Hindi na nasupresa si Año na umabot sa higit 1,500 LGUs na ang nagdeklara ng persona non grata laban sa mga rebeldeng komunista bunga na rin ng mga ginagawa nitong pasanin sa mga tao.

Dagdag pa ni Año, iniuugnay ng CPP ang isyu ng persona non grata sa budget allocation sa LGUs na tila parang ‘teleserye.’

Ang annual Internal Revenue Allotment (IRA) para sa LGUs ay inilalabas at idina-download alinsunod sa Saligang Batas.

Facebook Comments