DILG, kaisa sa pagluluksa sa pagpanaw ni Casurao

Kaisa ang Department of Interior and Local Government sa pagluluksa sa pagpanaw ni National Police Commission (Napolcom) Vice Chairman and Executive Officer Rogelio T. Casurao.

Si Casurao ay namatay nitong January 2 sa edad na 66.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, si Casurao ay ‘man of honor’ na nag-iwan ng marka sa kanyang higit 16 na taong panunungkulan sa gobyerno.


Pinangunahan ni Casurao ang institusyon na layong baguhin ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) bilang mga kagalang-galang, may prinsipyo at mabuting tagapaglingkod.

Maaalala si Casurao sa kanyang mahusay na liderato, patnubay at commitment para mapaganda ang pananaw ng mga tao sa buong police force at maging ang mga hindi matawarang kontribusyon nito sa lahat ng institusyong napagsilbihan niya.

Nagpaabot na ang DILG ng pakikiramay at panalangin sa pamilya, kaanak, kaibigan ni Casurao.

Facebook Comments