DILG, kakasuhan sa Ombudsman ang 10 LGU na bigong sumunod sa Clearing Operations

Kasado na ang reklamong ihahain ng Dept. of Interior and Local Government (DILG) laban sa mga lokal na pamahalaan na bigong sumunod sa 60 day deadline ng Clearing Operations.

Nabatid na 101 LGU ang bigong sumunod sa direktiba kung saan pinadalhan muna sila ng Show Cause Order.

Ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya, tuloy ang pagsasampa nila ng kaso sa 10 LGU sa Ombudsman.


Kasabay nito, binabalangkas ng DILG ang isang Memorandum Circular upang matiyak na magpapatuloy ang tagumpay na nasimulan sa 60 day deadline.

Sa ilalabas na bagong Memoranda, magiging malaki ang hamon sa mga LGU na panatilihin ang malinis at maayos na kalsada at bangketa.

Dahil dito, iniurong sa Pebrero ang validation na itinakda sana ngayong Disyembre.

Facebook Comments