DILG, kinalampag ang mga LGUs na paigtingin ang pagsasagawa nila ng contact tracing

Kasunod nang paglobo ng COVID-19 cases sa bansa, nanawagan ang Department of the Interior and Local Government sa bawat Local Government Units (LGUs) sa bansa na paigtingin ang pagsasagawa nila ng contact tracing.

Sa Laging handa public press briefing, sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya na sa ngayon ay nasa 1:7 lamang ang ratio ng contact tracing efforts ng karamihan sa mga LGUs sa bansa kung saan malayong malayo aniya ito sa Magalong formula na 1:32 contact tracing efforts.

Ani ni Malaya, umaasa sila na maitataas ng kahit sa 1:15 ang contact tracing ratio nang sa ganon ay mas mabilis matunton ang mga nahawaan ng virus upang hindi na sila makapaghawa pa ng iba.


Nakikitang problema rito ni Usec. Malaya ay nagpakampante na ang halos lahat sa atin dahil nag umpisa na ang vaccination program ng pamahalaan.

Pero paalala nito, hangga’t hindi nakakamit ang herd immunity ay hindi pa dapat tuluyang magpakampante ang publiko.

Facebook Comments