DILG, kinastigo ni Sen. Hontiveros dahil sa paglalagay ng mga drop boxes para sa illegal drug reporting

Manila, Philippines – Binatikos ni Senator Risa Hontiveros ang deriktiba ng Department of Interior and Local Government’s o DILG sa mga local government units na maglagay ng mga drop boxes para sa illegal drug reporting sa ilalim ng Masa Masid program.

Tinawag ni Hontiveros ang nabanggit na hakbang na drug box tokhang na isang kalokohan at lubhang delikado.

Maari aniyang ilagay na lang sa nasabing mga drop boxes ang pangalan ng sinuman at hindi tiyak na ang mga impormasyong ihuhulog sa mga kahon ay dadaan sa masusing pagsisiyasat at case building.


Nangangamba pa si hontiveros, na ang mga drop boxes na yan ay maging instrumento para sa paghahanap ng mga bagong biktima ng extra judicial killings.

Bunsod nito, ay tiniyak ni Hontiveros na ire-realign o ililipat niya ang 500-Million pesos na pondo ng dilg para sa nabanggit na Masa Masid program.

Facebook Comments