Matapos makubkob ng militar ang isang bomb-making camp sa Dolores, Eastern Samar, kinondena ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang New People’s Army (NPA) sa patuloy na paggawa ng anti-personnel mines.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, sa kabila ng mahigpit na ipinagbabawal ng batas at ng International Humanitarian Law (IHL), patuloy pa rin ang NPA sa pagggawa ng mga bomba na kikitil sa buhay ng mga tao.
Dagdag ng DILG chief, mistulang nakalimot na ang NPA kung paano nagalit ang publiko sa pagkamatay nina Far Eastern University (FEU) player Keith Absalon at ng kaniyang pinsan na namatay sa pinasabog na landmine habang nagbibisikleta sa Masbate noong Hunyo.
Facebook Comments