Mariing kinondena ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga insidente ng pamamaslang sa mga taong lingkod ng gobyerno.
Sinabi ni Año na puspusan ang kagawaran at ang PNP sa pagsasagawa ng imbestigasyon para maibigay sa mga biktima ang hustisya.
Naninindigan pa rin ang kagawaran na ang mga isyu at sa seguridad ay nangangailangan ng whole-of-government approach at whole-of-nation initiative.
Hindi isinasantabi ng kagawaran ang mga patayan na may kinalaman sa paparating na halalan sa mga pamamaslang na ito.
Mangangailangan ng pagtutok dito ang Comelec at ilan pang ahensya ng pamahalaan sa mga maituturing na election hotspots sa bansa.
Inaatasan ng DILG ang PNP na magsagawa ng karagdagang check points at karagdagang security measures upang mapigilan ang ganitong mga insidente.