DILG, kinondena ang pag-ambush kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo

Kinokondena ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nangyaring pag-ambush kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Iniutos ni DILG Secretary Benhur Abalos sa Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng hot pursuit operations para agad na mahuli ang mga suspek na responsable sa pag-ambush sa gobernador.

Naka-deploy na ang mga puwersa ng Negros Oriental Provincial Police Office at ang mga kapulisan sa karatig na probinsya para galugarin ang bawat sulok ng lugar para agad na madakip ang mga kriminal.


Tiniyak ng DILG chief na hindi titigil ang kapulisan hanggang hindi nareresolba ang kaso at ang iba pang insidente ng pananambang sa ilang pulitiko.

Nanawagan si Abalos sa mga saksi na maaaring nasa lugar na pinangyarihan ng insidente na ilahad ang kanilang nasaksihan at makipagtulungan sa PNP para makamit ang hustisya para kay Gov. Degamo.

Facebook Comments