
Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) na sa 16 na naisyuhan ng arrest warrant na may kaugnayan sa maanomalyang flood control projects ay 8 ang hawak na ng mga awtoridad.
Kung saan 7 ang nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at 1 ang naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, 4 na indibidwal ang nasa labas ng bansa kabilang na rito si Zaldy Co na hinahanap pa rin kung nasaan ngayon.
Habang ang 3 pa ay nakipag-ugnayan na sa mga awtoridad at pinagre-report na sa embahada .
Dagdag pa ni Remulla, posibleng gumagamit ng ibang passport o pangalan si Zaldy Co.
Sa ngayon 7 sa nasabing indibibwal ay nasa kustodiya na ng CIDG at ang isa ay nasa NBI.









