
Binasag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang mga spekulasyon kaugnay ng pagkamatay ni Iloilo Vice Mayor Aimee Paz Lamasan noong December 30.
Sinabi ng kalihim na accidental discharge ang sanhi ng pagkamatay ng bise-alkalde, batay sa paunang imbestigasyon.
Pumunta si Remulla sa Iloilo upang masiguro ang masinsinang imbestigasyon at tugunan ang kumakalat na misinformation kaugnay sa insidente.
Ayon sa kalihim, walang koneksyon sa politikal na motibo, financial difficulties, o isyu sa mental health ang pagkamatay ni Lamasan.
Pinabulaanan din niya ang pagkakasangkot ng partner ng mayor na si Lord Byron Torrecarion, at sinabi ng pamilya na maganda ang kanilang relasyon.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) — kabilang ang scene reconstruction, witness accounts, at forensic examination — habang sinusuri ang baril sa loob ng bahay sa La Paz, Iloilo, aksidenteng nabaril ang bise-alkalde, na ikinasawi niya.
Napag-alaman na isang 9mm pistol ang tumama sa bise-alkalde.
Bumisita sina Secretary Remulla at ang Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa burol ni Lamasan bilang pakikiramay sa naiwan niyang pamilya.










