DILG, kumasa sa hamon ng Bayan Muna na paimbestigahan sa Kongreso ang rebel surrenderers program

Welcome para sa Department of the Interior and Local Government ang isinusulong ng Makabayan bloc” na paiimbestigahan sa Kongreso ang programa ng pamahalaan para sa mga rebel returnees.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, pabor ito sa gobyerno dahil maipapakita sa publiko kung gaano na karami ang bilang ng mga rebel surrenderers ang nabigyan ng benepisyo ng ECLIP o Enhanced Conprehensive Local Integration Program.

Ginawa ng kalihim ang pahayag kasunod ng patutsada ng kaliwa na magkaroon ng imbestigasyon dahil mayroon umanong katiwalian  sa implementasyon programa.


Tiniyak ni Año na walang korapsyon o anomalya sa E-CLIP program.

Facebook Comments