
Malabo umanong mangyari sa Pililinas ang nangyayaring kilos-protesta sa Nepal.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, nagsagawa na sila ng command conference para maglatag ng contingencies sa posibleng mga anti-corruption protests.
Kasunod na rin ito ng patikim na kilos protesta ng mga grupong Tindig Pilipinas, Nagkaisa, Kalipunan ng Kilusang Masa, at Siklab sa EDSA Shrine para kondehan ang korapsyon sa flood control projects.
Inatasan ng kalihim ang Philippine National Police (PNP) na magpatupad ng maximum tolerance sa gitna ng mga protesta.
Ayon sa kalihim, bagamat kinikilala nila ang karapatan na ipawagan ang accountability o pagpapanagot sa mga sangkot sa katiwalian, dapat ay di ito mauwi sa karahasan.
Matatandaang 19 katao na ang nasawi sa kilos-protesta sa Nepal dahil sa isyu ng korupsyon.









