Malugod na tinatanggap ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Atty. Vitaliano Aguirre II bilang opisyal nang manungkulan bilang Vice-Chairman at Executive Officer ng National Police Commission.
Ayon kay Undersecrtary Bernardo C. Florece, Jr., Officer-in-Charge ng DILG, kumpiyansa sila na maipapatupad ni Aguirre ang as ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng reporma at palakasin ang internal cleansing program upang maalis ang mga masamang elemento sa loob ng Philippine National Police (PNP).
Aniya, malaki ang maitutulong ng malawak na karanasan ni Aguirre sa serbisyo publiko partikular ang pamumuno nito noon ssa Department of Justice (DOJ).
Umaasa ang DILG na makapaglalatag ng kongretong programa para mas higit ang pag-professionalize at pagpapalalim ng kultura ng disiplina sa mga pulis.