DILG, kumunsulta sa legal team para sa posibleng pagsasampa ng reklamo kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia dahil sa utos na hindi na mandatory ang pagsusuot ng face mask

Kumukunsulta na ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa kanilang legal team para sa posibleng pagsasampa ng reklamo kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia dahil sa pagsuway sa utos ng national government na opsyonal na pagsusuot ng face mask.

Sa ambush interview sa Camp Crame, sinabi ni DILG Sec. Eduardo Ano, na inaalam na nila ang susunod nilang hakbang kung magpapatuloy sa pagsuway ang Cebu.

Hindi kasi aniya pwedeng mangibabaw ang ordinansa sa local government sa executive order ng pangulo.


Sa kasalukuyan, sinabi ni Año na hinihintay na lang nila ang rekomendasyon ng kanilang legal team para sa magiging aksyon.

Mananatili naman aniya ang utos na sapilitang pagsusuot sa outdoor ng face mask at maninita ang mga pulis sa mga lalabag dito.

Samantala, ayon naman kay Año na nasa proseso na sila ng transition sa papalit sa kaniya sa pwesto na si Benhur Abalos.

Facebook Comments