
Ikinakasa na Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Barangay Newly Elected Officials (BNEO) Program bago ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na gaganapin sa November 6.
Ito’y sa pamamagitan ng Local Government Academy (LGA) .
Sa ginanap na DILG Kapihan media forum, sinabi ni LGA Asst. Director Daphne Purnell na pinaghahanda na ang DILG regional offices at partner institutions para sanayin ang mga bagong halal na barangay officials pagsapit ng January 2027.
Mamamahagi rin ng printed reference materials sa mga barangay.
Ani Purnell, magkakaroon ng term-based program na magsisimula sa orientation at susundan ng localized at needs-based training.
Binigyang diin ng DILG-LGA na mahalaga ang tuloy-tuloy na training para maging handa ang mga opisyal sa pagbibigay ng maayos na serbisyo matapos ang BSKE.
Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12232 na naglipat ng BSKE sa November 2026 at nagpapalawig ng termino ng barangay at SK officials sa apat na taon.










