DILG, magde-deploy pa ng mga pulis sa mga public market para maipatupad ang physical distancing protocols

Magde-deploy na ng karagdagang pulis at force multipliers sa mga public market sa Metro Manila at iba pang urban centers sa buong bansa.

Iniutos na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang deployment na higpitan pa ang pagbabawal sa mass gatherings at physical distancing.

Naglabas ng direktiba ang DILG bunsod ng dumadaming ulat na paglabag sa kabila nang umiiral na community quarantine procedures.


Ani Año, masasayang lang ang tatlong linggong pagpupursige ng gobyerno sa paglaban sa COVID-19 kung hahayaan ang publiko na patuloy na suwayin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) at hindi sumunod sa physical distancing protocols.

Base sa huling datos ng Philippine National Police (PNP), abot na sa 108,088 individuals ang nahuli sa buong bansa dahil sa paglabag sa ECQ.

Sa kabuuang bilang, 76,989 ang binigyan lamang ng warning at 4,969 ang pinagmulta habang ang 5,539 ang nasampahan na ng kaso.

Abot sa 20,591 indibidwal ang pinalaya habang pending pa ang pagsasampa ng kaso sa Department of Justice (DOJ).

Facebook Comments