Plano ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na tumanggap ng 50,000 karagdagang contact tracers sa oras na naisabatas ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Sa huling datos ng DILG, nasa 69,098 contact tracers ang nai-deploy sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Trabaho ng contact tracing teams na matunton ang mga nakasalamuha ng COVID-19 patients para mabawasan ang pagkalat ng infection at mag-alok ng diagnostic, counseling, at treatment sa mga pasyente.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, kailangan ng pamahalaan ng 87,092 contact tracers para mapalakas ang tracing ability ng bansa.
Inatasan na rin ng DILG ang 42,045 barangays sa bansa na bumuo ng sarili nilang contact tracing teams.
Ang Local Government Academy at Philippine Public Safety College ang magsasagawa ng training para sa contact tracers na i-oorganisa ng mga barangay.