DILG, maglalabas ng certification para i-turn-over ang StaySafe.ph sa pamahalaan

Ibibigay na sa pamahalaan ang karapatan para sa StaySafe.ph, ang official contact tracing program na layong mapahusay ang paglaban sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ay maglalabas ng certification para i-turn-over ang rights ng naturang contact tracing system sa gobyerno.

Sa ilalim ng nilagdaang kasunduan noong nakaraang taon, ang developer ay kailangang ibigay ang source code, data, ownership at intellectual property nito sa Department of Health (DOH).


Ang Inter-Agency Task Force (IATF) ay inatasan ang DICT at National Privacy Commission na tiyaking naaayon sa data privacy laws ang naturang contact tracing system.

Facebook Comments