Maglalabas ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng memorandum circular kaugnay ng pinaluwag na travel restriction.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, maraming Local Government Units (LGUs) ang hindi pa rin nakakasunod sa Inter-Agency Task Force resolution 101 na hindi na ire-require ang mga biyahero na kumuha ng medical certificate at travel authority.
Aniya, kapag lumabag pa rin ang mga LGU, sila ay bibigyan na ng DILG ng show cause order.
Una nang inutusan ng DILG ang mga LGU na gumawa ng lokal na ordinansa para matiyak na nasusunod ang minimum health standards at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Kabilang dito ang mahigpit na pagsusuot ng face mask at face shield sa tuwing nasa pampublikong lugar at ang pagpatupad ng social distancing.