Mag-iisyu ng show cause orders ang Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa 30 alkalde dahil sa mabagal na distribution ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni DILG Spokesperson, Usec. Jonathan Malaya na ang paglalabas ng show cause orders ay utos ni Sec. Eduardo Año.
Hindi na nagbigay pa ng detalye si Malaya hinggil sa mga alkaldeng ipapatawag.
Pero sinabi niya na kailangang magpaliwanag ang mga alkalde kung bakit nabigo silang maabot ang deadline sa SAP distribution noong May 10.
Tiniyak naman ng DILG na bibigyan ng due process ang mga local chiefs.
Una nang sinabi ng kagawaran na aabot sa 1,265 local government units (LGU) sa bansa ang nakumpleto ang pamamahagi ng ayuda sa itinakdang May 10 deadline.