Apatnapu’t tatlong alkalde ang iisyuhan ng show cause order ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa kabiguang makumpleto ang pamamahagi ng emergency cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, pagpapaliwanagin ang 43 local chief executives kung bakit nanatiling kulang na kulang ang performance sa kabila ng dalawang extension sa deadline.
Ayon pa sa kalihim, sa 43 Local Government Units (LGUs), 11 ang nakapagtala lamang ng 79% accomplishment rate noong May 10, 2020 deadline.
Ang mga alkaldeng ito ay nagmula sa Western Visayas, walo sa MIMAROPA, lima sa Central Visayas, apat sa Davao Region at apat sa National Capital Region.
Habang ang mga LGU na napag-iiwanan ng husto ay ang mga sumusunod: dalawa sa Ilocos Region, dalawa sa Cagayan Valley; dalawa sa CALABARZON, dalawa sa Eastern Visayas, dalawa sa Northern Mindanao at isa sa Central Luzon.
Hinikayat ng kalihim ang publiko na tumulong sa pag-validate sa compliance ng mga barangay.
Ito’y sa pamamagitan ng pagberipika sa ipapaskil na listahan ng mga benepisyaryo sa may barangay hall na isa sa mga requirement bago makakuha ang LGUs ng panagalawang bugso ng ayuda.
Dito aniya makikita ng taumbayan kung sino ang tiwali dahil makikita sa listahan kung mayroong anomalya.