Magtatag ng National Cybercrime Training Institute ang Department of Interior ang Local Government (DILG) sa ilalim ng Public Safety College.
Ito ay sa gitna ng tumataas na bilang ng cybercrime sa bansa.
Ayon kay DILG Sec. Benjamin Abalos, dahil sa pagdami ng ganitong uri ng kaso ay kailangan nang magsanay ng mga tao na tututok sa naturang krimen.
Masyadong teknikal at specialized aniya ang paghawak ng cybercrime kung kaya’t dapat na itong palakasin ng pamahalaan.
Nakatakdang pirmahan ni Abalos ang kautusan sa pagtatatag ng National Cybercrime Training Institute sa susunod na linggo.
Facebook Comments