DILG-Manila, nagpasalamat sa tulong at suporta ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa pag-asikaso nila sa mga LSI

Nagpasalamat ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lokal na pamahalaan ng Maynila dahil pag-asikaso nila sa mga Locally Stranded Individuals (LSI).

Nabatid na nasa 143 na mga LSI na pansamantalang nanatili sa Manila Science High School habang naghihintay na makauwi sa kani-kanilang probinsya sa pamamagitan ng ‘Hatid Tulong’ project ng national government.

Sa naging pahayag ni DILG-Manila Director Atty. Rolynne Javier, naihatid na nila pabalik sa kani-kanilang probinsya ang mga LSI kung saan ang pinakahuling grupo ay naihatid na kahapon, July 11, 2020.


Una nang kinukop ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga LSI noong July 7, 2020 at saka nila ito pansamantalang dinala sa Manila Science High School.

Sa apat na araw na pananatili ng mga LSI, binigyan sila ng lokal na pamahalaan ng Maynila ng temporary shelter, modular tents, blankets, at pagkain.

Dagdag pa ni Director Javier, malaking tulong ang nagawa ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa nasabing programa ng gobyerno kung saan nagpapasalamat siya kay Mayor Isko Moreno sa suportang ibinigay nito.

Facebook Comments