DILG, mariing kinondena ang walang habas na pamamaril ng isang pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac

Mariing kinokondena ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang walang habas na pamamaril ni Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca sa mag-inang nakaalitan nito sa Paniqui, Tarlac.

Ani Año, hindi nila kukunsintihin ang ganitong insidente.

Aniya, masasampahan ng kasong administratibo at kriminal si Nuezca at mabibigyang hustisya ang sinapit ng mga biktima.


Pinaalalahanan ng kalihim ang lahat ng mga police officers na manatiling kalmado sa lahat ng pagkakataon at kumilos alinsunod sa katungkulan nila bilang mga alagad ng batas.

Binigyan diin ni Año na bagama’t isang unfortunate pero isolated case ang nangyari, mas nakararaming pulis pa rin ang tapat sa kanilang tungkulin.

Aniya, ang kasalanan ni Nuezca ay hindi kasalanan ng buong Philippine National Police (PNP).

Patunay aniya rito ang mga pulis na sinuong ang panganib bilang frontliners sa panahong ipinatutupad ang mga COVID-19 response.

Facebook Comments