DILG, may apela sa mga magulang kaugnay ng tatlong araw na rally ng INC

Nanawagan si DILG Secretary Jonvic Remulla sa mga magulang na paalalahanan ang kanilang mga anak na huwag sumama sa “gangsta” group na maaaring lumikha ng kaguluhan kasabay ng tatlong araw na rally ng Iglesia ni Cristo (INC) na magsisimula sa Linggo, November 16.

Nagbabala ang kalihim na aarestuhin ang mga magbabalak na manggulo.

Giit ni Remulla, kinikilala nila ang panawagan ng INC para sa katotohanan, pananagutan at hustisya—ang tinig at sigaw ng bawat Pilipino.

Pero tungkulin nila na panatilihin ang kaayusan at katahimikan.

Nauna nang nagbabala si Remulla laban sa pagtitipon-tipon sa Mendiola at sa paligid ng Malacañang nang walang kaukulang permit.

Ang babala ay kasunod na rin ng kaguluhang sumiklab sa Ayala Bridge at Mendiola sa nangyaring anti-corruption rallies noong Sept. 21.

Facebook Comments