DILG, may babala sa mga LGUs na hindi makakatugon sa ibinigay na 60 days deadline para linisin ang sagabal sa kalsada sa kanilang lugar

Pasisimulan na ng  Department of the Interior and Local Government sa linggong ito ang kanilang gagawing assessment sa performance ng mga Local Government Units sa buong bansa.

Ito’y kaugnay sa ibinigay na 60 days deadline sa lahat ng mga lokal na pamahalaan na linisin ang kanilang mga kalsada mula sa mga nakasasagabal sa daloy ng trapiko sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, kuntento naman siya sa mga ginagawang pagsusumikap ng mga alkalde na sundin ang atas sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo sa kaniyang SONA o State of the Nation Address.


Gayunman, nagbabala si Año na kung may mga alkalde pa ring mabibigo sa naging kautusan ng Pangulo, hindi siya mangingimi na suspindehin ang mga ito.

Pero nilinaw ng kalihim, magbibigay pa rin siya ng konsiderasyon sa mga alkaldeng kakapusin sa kanilang mga hakbang sa ibinigay na panahon bago gumawa ng karampatang aksyon.

Facebook Comments