DILG, may babala sa nagbebenta ng slots para sa COVID-19 vaccines

Binigyang-diin ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na bawal-bawal ang pagbebenta ng COVID-19 vaccines.

Ang pahayag ng DILG ay kasunod na rin ng natanggap na report sa dalawang syudad na Metro Manila ang naniningil ng P8,000 hanggang P12,000 para magkaroon ng tiyak na slots sa COVID-19 vaccine.

Ayon kay DILG Spokesperson Usec. Jonathan Malaya, tiyak na mananagot sa batas kung sinumang mahuling gumagawa nito.


Aniya, inatasan na niya ang Philippine National Police (PNP) para imbestigahan ang insidente kung saan magsisilbing ebidensya ang mga screenshot na pag-uusap kaugnay sa pagbebenta ng slots na trending sa social media.

Paalala ni Malaya, binili ng gobyerno ang bakuna para sa publiko at wala itong bayad.

Facebook Comments