Nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga benepisyaryong tatanggap ng ayuda mula sa mga lugar na isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, mahigpit na ipinagbabawal ang walk-in sa pagkuha ng ayuda.
Sa halip ay bibigyan ng schedule ang mga kwalipikadong residente at nakasaad din dito kung saang payout center sila maaaring magtungo.
Kung wala naman sa listahan, pauuwiin ang mga benepisyaryo upang maiwasan ang mass gathering.
Isang miyemro lang din ng pamilya ang papagayang lumabas ng bahay upang makakuha ng ayuda.
Sa ngayon, paglilinaw ni Diño ay hindi ipapahawak sa mga tauhan ng barangay ang pera, sa halip ay tutulong lamang ang mga ito sa pagpapanatili ng health protocols at social distancing sa mga payout center.