Umabot sa ₱1.7 billion ang naitala ng Department of Interior and Local Government (DILG) na halaga ng unliquidated fund tranfers sa government agencies, Government Owned and Controlled Corporations (GOCC) at Local Government Units (LGUs).
Base sa annual audit report ng COA sa DILG, napansin nila na ang pinakamalaking halaga ng unliquidated funds ay inilipat sa Social Housing Finance Corporation (SHFC) na nasa 350 million pesos, 278 million pesos para sa Bicol Region at 213 million pesos para sa National Housing Authority (NHA).
Ang unliquidated balance ng SHFC ay fund transfer noong September 2016 para sa pagpapatayo ng micro medium-rise buildings para sa informal settler families na nakatira sa mga estero.
Ang 278 million pesos unliquidated fund transfer sa NHA ay inilaan para sa 15,000 informal settler families at administrative cost na nakapetsa noong September 2016.
Ang iba pang ahensya na kailangang i-liquidate ang pondong natanggap mula sa DILG ay ang Presidential Commission for the Urban Poor (199 million pesos), Local Government Authority (85 million pesos), Bureau of Fire Protection (39 million pesos), Presidential Communications and Operations Office (12 million pesos) at iba pa.
Dahil dito, pinahihigpitan sa DILG ang monitoring at enforcement ng liquidation ng fund transfers.
Tinanggap naman ng DILG ang rekomendasyon ng COA, ayon kay Spokesperson, Assistant Secretary Jonathan Malaya – makikipag-ugnayan sila sa kanilang finance unit hinggil dito.