Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mas mahigpit na guidelines sa mga aktibidad na may kinalaman sa pangangampanya.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ang kanilang parusa ay nakadepende sa ilalim ng Commission on Election (COMELEC) Resolution 10732.
Aniya, maaaring madiskwalipika ang sinumang kandidatong lalabag dito.
Habang ang mga lalabag naman sa minimum public health standards ay makukulong ng 1 hanggang 6 na buwan at pagmumultahin ng P20,000 hanggang P50,000.
Nanawagan naman si Malaya ng kooperasyon ng mga pulitiko, taga-suporta, at partido na sumunod sa umiiral na guidelines.
Facebook Comments