Inatasan na ni DILG Secretary Eduardo Año ang lahat ng DILG Undersecretaries at Assistant Secretaries na imonitor ang Metro Manila Mayors sa ginagawa nilang clearing operations para mabigyan ng suporta at tulong.
Tungkulin umano ng mga Senior DILG officials na makipagtulungan sa City Mayors upang matugunan ang ibinigay na 60 days na deadline ng DILG para tanggalin ang mga sagabal sa kalsada at bangketa.
Ang mga DILG Usec. at Asec. na rin ang makikipag-ugnayan sa PNP, MMDA, DPWH, at DOTR upang tiyakin ang close coordination sa pagitan ng National Government at LGUs para maayos na nasusunod ang direktiba ng pangulo.
Ayon kay DILG Usec. at Spokesperson Jonathan Malaya, inatasan na ng ahensiya ang PNP na bigyan ng police assistance ang mga LGUs sa kanilang aktibidad.
Banta pa ng DILG, lahat ng makikialam at haharang sa clearing operations ay aarestuhin at kakasuhan.
Maging ang mga police outposts o stations na nasa bangketa ay pinapatanggal na rin ng DILG.