DILG, muling nagpaalala sa pagbabawal sa trikes, pedicabs sa highways

Muling hinikayat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang Local Government Units na mahigpit na ipatupad ang pag-ban ng mga tricycle at pedicab sa national highways.

Kasunod ito ng nangyaring banggaan ng isang pampasaherong bus at tricycle sa national highway sa Labo, Camarines Norte noong Pebrero 4.

Nagpaalala si Abalos na may inilabas nang Memorandum Circular ang DILG noong Pebrero 2020 na nagbabawal sa ganitong uri ng mga sasakyan sa mga highway.


Batay sa ulat ng Metro Manila Accident and Reporting System, noong 2022, abot sa 2,829 road accidents ang naitala na kinasasangkutan ng mga bisikleta, e-bikes at pedicabs.

Hiwalay pa rito ang 2,241 road accidents na kinasasangkutan naman ng mga tricycle.

Pinuri naman ng kalihim ang munisipalidad ng San Mateo sa Rizal na mahigpit nang ipinatupad ang pag ban sa e-bikes, tricycles at pedicabs sa national roads na simula kahapon.

Facebook Comments