Pinalawig ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa February 14 ang deadline sa Road-Clearing Operations 2.0.
Sa inilabas na DILG Memorandum No. 2021-007, inaatasan ang mga lokal na pamahalaan na pagtuunan muna ng pansin ang paglalatag ng local vaccination plan.
Nais ng DILG na maisama sa plano ang gagawing kampanya upang maipabatid sa publiko ang mga kritikal na impormasyon kaugnay sa COVID-19 vaccination.
Ipinahahanda rin ang master list ng mga priority eligible vaccinee population at ang pagtukoy sa mga vaccine centers, available na cold chain storages at iba pang logistical requirements.
Ayon kay DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya, gagawin na lang validation sa compliance ng mga LGUs ang Road-Clearing Operation 2.0 mula February 16 hanggang March 2, 2021.