DILG, naaalarma na sa pagtaas ng kaso ng Tigdas sa bansa

Hinikayat ng DILG o Department of Interior and Local Government ang mga Lokal na Pamahalaan na suportahan ang Vaccination Campaign kontra Tigdas.

Kasunod naman ito ng panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga magulang na huwag nang matakot pabakunahan ang kanilang mga anak upang maiwasan ang paglala maging ang pagkalat ng nasabing sakit.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, nakababahala na ang tumataas na kaso ng Tigdas kaya naman kinakailangan na aniyang pagtuunan ng pansin ang mga inilatag na hakbang na makatutulong upang malunasan ang pagtaas ng kaso nito sa bansa.


Binigyang-diin din pa ni Año na maaaring gamitin ng mga pamahalaang lokal ang nasa pitumpu sa limang porsyento ng kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Fund para sa mga proyekto kontra sa sakit na Tigdas.

Batay sa opisyal na datos mula sa Department of Health, tumaas sa halos dalawampu’t tatlong Libo ang naitalang kaso ng tigdas sa bansa mula Marso 19 ng taong ito kumpara sa dalawang libo tatlongdaang kasong nailta noong nakalipas na taon.

Facebook Comments