DILG, nag-deploy ng karagdagang 802 na contact tracers sa NCR

Nag-deploy ang Department of the Interior and Local Government ng karagdagang 802 na contact tracers sa National Capital Region.

Layon nito na tumulong ang mga ito sa COVID-19 response ng mga lokal na pamahalaan sa gitna ng pagsipa ng mga kaso ng COVID sa Metro Manila.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, magde-deploy ang Philippine National Police ng karagdagang 362 uniformed personnel sa Malabon, Navotas, Valenzuela, Caloocan, 16 sa Marikina at Pasig, 1 sa Mandaluyong, San Juan, Manila, Pasay, Makati, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Taguig, Pateros at Quezon City.


Nasa 100 na uniformed personnel ng Bureau of Fire Protection ang ipakakalat din sa Quezon City at Pasay City.

Maliban sa 802 nauna nang nag-deploy ng karagdagang 300 contact tracers ang Metro Manila Development Authority sa iba’t ibang Local Government Units.

Facebook Comments