DILG, nagbabala laban sa mga barangay captain na hindi magdadaos ng Barangay Assembly sa Oktubre

Manila, Philippines – Nagbabaala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) laban sa mga barangay captain na mabibigo na magdaos ng barangay assembly sa October 8.

Ginawa ni DILG Officer-in-Charge Catalino Cuy ang paalala sa harap ng mainit na deliberasyon sa postponement ng barangay elections at posibleng holdover ng current barangay officials.

Maaga pa lamang aniya ay nagpaikot na ang mga barangay captain ng memorandum circular sa mga punong barangay sa bansa kaugnay sa pagdaraos ng barangay assembly.


Ang sinuman na hindi susunod dito ay maaring mahaharap kasong administratibo.

IPinaliwang ni Cuy na ang administrative complaint ay maaring ihain ng kahit sinumang residente ng baragay, concerned citizen at maging governmental o non-governmental entity sa Sangguniang Panglungsod o Sangguniang Bayan.

Binigyang diin din ni Cuy ang Local Government Code na nakasaad na dapat ang barangay assembly ay idinadaos ng ‘di bababa sa dalawang beses sa isang taon nang sa gayon ay mapakinggan at mapag usapan ang mga problema sa barangay.

Ngayong second semester ng taon, ang temang napili ng National Barangay Operations Office (NBOO) ay “Nagkakaisang Barangay: Lakas ng Kampanya Kontra sa Iligal na Droga, Krimen at Katiwalian. Makiisa! Makilahok! Makialam!

Facebook Comments