Nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) na nanganganib na masuspinde ang ilang Barangay Officials.
Ito’y kapag lumabas na bagsak ang grado sa resulta ng Assessment sa Road Clearing Operations.
Ayon kay DILG Usec. Epimaco Densing, hanggang bukas (Oct. 5) mag-iikot ang kanilang validating team para tingnan kung pumasa ang mga ito sa criteria.
Aniya, kakasuhan ang mga Barangay Official na hindi nakiisa at nakisama sa paglilinis.
Sinabi naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia, walang masususpindeng alkalde sa Metro Manila.
Tiwala silang nakasunod ang mga lokal na pamahalaan sa direktiba.
Maglulunsad ng programa ang mga LGU para panatilihing malinis ang mga bangketa at kalsada.
Facebook Comments