Nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Units (LGU) tungkol sa mga scammer na nagpapanggap bilang senior officials ng ahensya para makapag-solicit o makangikil ng pera.
Sa statement, sinabi ng DILG na ang mga impostor ay tumatawag sa mga alkalde sa Laguna, Quezon, Camarines Sur, Masbate, Pangasinan, Cagayan, Iloilo, Leyte, at Cotabato kung saan nag-aalok sila ng tulong.
Sinasabi pa ng mga impostor na tutulong sila sa anumang imbestigasyong kinakaharap ng mga opisyal pero may kapalit na pera sa huli.
Panawagan ni Interior Secretary Eduardo Año sa publiko, na agad isumbong ang sinumang nagpapanggap na DILG officials na nagso-solicit o nagpo-promote ng anuman at ginagamit ang kaniyang pangalan para paboran ang anumang negosyo na money generating scheme.
“We will take immediate actions to apprehend these scrupulous persons and file appropriate cases,’’ babala ni Año.
Una nang iginiit ni Año na walang lugar sa pamahalaan ang lahat ng uri ng korapsyon.