Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Units (LGU) na nagtuturokng second booster ng COVID-19 sa general population.
Iginiit ni DILG Secretary Eduardo Año, tanging mga healthcare workers, senior citizens at immunocompromised individuals ang maaaring makatanggap ng 4th dose sa ngayon.
Ayon pa sa kalihim, posibleng maharap sa kaukulang kaso ang mga LGU na magbibigay nito sa hindi kwalipikadong indibidwal.
Samantala, nagbabala rin si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa mga LGU na sila ang mananagot sa posibleng adverse events na maranasan ng isang indibidwal na naturukan ng 2nd booster mula sa sa general population.
Facebook Comments