
Nagbabala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa mga indibidwal o grupong susubukang manggambala sa nagpapatuloy na three-day rally ng religious group na Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand matapos na maging generally peaceful ang unang araw ng protesta.
Ayon kay Remulla, hindi nila pinapayagan ang destabilisasyon sa gobyerno dahil nananawagan sila para sa mapayapang rally.
Giit din ng kalihim na buong bigat ng batas at hustisya ang gagamitin nila laban sa mga destabilizers.
Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ni Remulla ang mga magulang na huwag pasamahin ang kanilang mga anak sa mga ‘geng-geng’ o ‘gangsta’ o kahit anong disorderly group.
Samantala, sinabi niya rin mas pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang security operations matapos ang nangyaring anti-corruption rally noong September 21.









