Nangako ang Department of Interior and Local Government (DILG) na aarestuhin at sususpendihin ang mga barangay captains na bigong mahinto ang mass gatherings sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, awtomatikong isasampa ang administrative cases kapag mayroong ipapataw na criminal offense laban sa barangay captains.
Habang dinidinig ang kaso, ang barangay captain ay sisibakin sa pwesto para maiwasang maimpluwensyahan ang imbestigasyon.
Dagdag pa ni Año, mayroon ding preventive suspension na ilalabas ng Ombudsman o mismo ng Pangulo.
Hinikayat ng DILG ang barangay captains na bumuo ng koneksyon sa mga pulis at local officials sa pagbabantay ng super spreader mass gatherings at iba pang events sa kanilang lugar.
Facebook Comments